DAGUPAN CITY- Naghigpit ang POSO Mangaldan kasama ang Mangaldan Traffic Regulatory Group sa mga pampasadang mga sasakyang walang kaukulang permit pamasada sa mga trcycle at pedicab.
Ayon kay Gerard Ydia, Chief ng POSO Mangaldan, puspusan na ang kanilang paninita sa mga kolorum sa bayan dahil sa pagdami ng mga ito.
Sinisita rin ang mga pumapasada na hindi residente sa bayan.
--Ads--
Aniya, ito ay ginagawa bilang pagbibigay pribilehiyo sa mga pumapasadang residente sa nasabing munisipalidad.
Panawagan naman mga awtoridad, kumuha muna ng permit ang mga residente sa bayan na nais magpasada, habang ang mga hindi residente sa bayan ay pinapayuhang manatili na lamang sa kanilang mga bayan upang pumasada.
- via Bombo Justine Ramos