Dagupan City – Isang matagumpay na clean-up drive ang isinagawa kamakailan upang labanan ang iba’t ibang uri ng polusyon, kabilang na ang polusyon sa hangin, tubig, at sa mga kalat na nagpapabigat sa sitwasyon ng komunidad kung saan nakipagtulungan ang mga lokal na volunteer mula sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.
Kabilang sa mga pangunahing nag-organisa ng aktibidad ay ang mga kasapi ng komunidad, pati na rin ang mga lokal na opisyal at kagawad. Ang mga volunteer ay nagmula sa iba’t ibang lugar tulad ng Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Agoo, at Baguio, na nagsanib-puwersa upang magsagawa ng clean-up sa mga pampublikong lugar.
Ang pamumuno at pag-organisa ng mga aktibidad ay naging daan upang magtagumpay ang proyektong ito. Ang kanilang mga hakbang ay nagbigay inspirasyon sa mga volunteer na magsanib-puwersa para sa kalinisan ng kapaligiran.
Ang nasabing proyekto ay hindi lamang tumutok sa pisikal na kalinisan, kundi naglalayong magpalaganap ng kamalayan tungkol sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan at mental na kalinisan. Habang ang mga volunteer ay nagtulungan upang itaguyod ang mas malinis at mas maayos na komunidad para sa lahat.