Pinaghandaan ng AutoPro Pangasinan ang muling pagbubukas ng klase ngayong araw ng Lunes, Agosto 22 para sa School Year 2022-2023.

Sa naging panayam kay Bernard Tuliao, Persident ng AutoPro Pangasinan, una nang nagpalabas ng memorandum ang LTFRB para sa pagde-deploy ng mga jeepneys para sa muling pagbubukas ng face-to-face classes.

Dagdag ni Tuliao na una na silang nagpulong noong nakaraang Huwebes, Agosto 18, kasama ang LTFRB na sinigurong nakahanda na lahat ng mga pampublikong sasakyan sa hanay ng mga jeepney na umarangkada ngayong araw.

--Ads--
TINIG NI BERNARD TULIAO


Saad naman ni Tuliao na masusi pa rin nilang ipapatupad ang COVID-19 protocols, lalong lalo na ang pagsu-suot ng face masks.

Binantayan din nila ang mga overchanging ng ilang public utility vehicles sa mga commuters at mga estudyanteng nagbalik eskwela at mga jeepney na hindi pa nagkabit ng kanilang mga taripa.

Kaugnay nito ay wala pa namang nakikitang mga problema ang grupo ni Tuliao o ang LTFRB datapwat nagbabadya na naman ang pagtaas sa presyo ng krudo nitong linggo.