Dagupan City – Pormal nang binuksan ngayong araw ang mga exhibit at booth ng mga katuwang na organisasyon at institusyong nakaangkla sa United Nations Sustainable Development Goals o SDGs.

Layunin ng aktibidad na mas mailapit sa mga mag-aaral ang mga adbokasiya at programang tumutugon sa mahahalagang isyu gaya ng edukasyon, kalusugan, kapaligiran, at inklusibong kaunlaran.

Sa pamamagitan ng iba’t ibang interactive exhibit at information booth, ipinakita ng mga partner ang kani-kanilang inisyatiba na sumusuporta sa pangmatagalang pag-unlad ng komunidad.

Nagsilbi rin itong plataporma upang mapalawak ang kaalaman ng mga estudyante tungkol sa papel na maaari nilang gampanan sa pagtupad ng mga layunin ng SDGs.

Bukod sa mga impormasyong hatid ng mga exhibit, naging mas makulay ang pagbubukas ng aktibidad dahil sa masayang atmospera na sinabayan ng mga palaro, freebies, at iba pang engagement activities na inihanda para sa mga mag-aaral.

--Ads--

Ayon sa mga organizer, mahalaga ang ganitong pamamaraan upang mas maging kawili-wili at madaling maunawaan ang mga adbokasiya.