Ipinagmalaki ng mga estudyanteng filmmakers mula sa lungsod ng Alaminos ang pagkakapanalo nila ng Best International Documentary Film Award sa ginanap na Fresh International Film Festival sa Limerick, Ireland.

Ang documentary film na ‘Sa Layag ng Bangkang Paurong’ ay nilikha ng mga estudyate ng Alaminos City National High school sa pangunguna nina Mark Giddel Liwanag, Karl Draizen Angan Angan, Hannah Ragudos at Craig Jacob Garin na tumutukoy sa mga hamon sa buhay na kinakaharap ng mga kabataan na nagtratrabaho bilang boatmen sa tourist destination na Hundred Islands.

Ang mga kabataang filmmakers ay pinamumuan ng kanilang coach na si Dr. Raquel Rarang-Rivera.

--Ads--

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay coach Rivera, sinabi nito na inspire sila sa paggawa ng nasabing pelikula dahil ito ay tumutukoy sa mga estudyante na nagtratrabaho bilang bangkero na naghahatid sa mga turista na nagtutungo sa Hundred Islands.

Ang mga kanbataang ito ay nagtratrabaho sa murang edad para masuportahan ang pag aaral at matulongan ang kanilang pamilya.

Dagdag pa ni Rivera na ito ang unang pagkakataon na gumawa sila ng documentryo na salungat sa una nilang ginagawa na narrative film.

Dr. Raquel Rarang-Rivera

Ibinahagi naman ni Craig Jacob Garin, ang editor ng pelikula, na dumaan sila sa mahirap na proseso sa paggawa ng pelikula.

Ang intensyon aniya nila ay maikuwento ang nangyayari sa lungsod pero hindi nila akalain na makarating sa international film festival.

Craig Jacob Garin

Sa panig naman ni Hanna Ragudos, asst director ng pelikula, umaasa sila na makakapasa ang iba pa nilang documentary film sa iba pang international Film Festival.

Masayang masaya naman ang nararamdaman ng director na si Mark Giddel Liwanag dahil dahil nabigyang pagkilala ang kanilang mga ginawa.

Sa ngayon ay may panibago silang gagawing pelikula kung saan nag iinvite sila ng mga mentors na magtuturo sa kanila para mas gaganda pa ang bubuuing pelikula.

Mark Giddel Liwanag