Dagupan City – Ipinaliwanag ng isang Historian sa bansa ang ma dapat tandaan kaugnay sa selebrasyon ng National Flag Day.

Sa naging panaym ng Bombo Radyo Dagupan kay John Ray Ramos, Historian sa bansa, mahalaga na alalahanin ang makisama sa selebrasyon at pagdiriwang na ito sa bansa.

Ito kasi aniya ay hindi lamang basta-basta pagsasabit ng mga bandila sa mga estabilishemento, bagkos ay pagpapakita ng isang makabayan at simbolo ng pagmamahal at kalayaan sa bansa.

--Ads--

Ibinahagi naman nito ang impormasyon kung kailan nanunang iwinagayway ang bandila sa bansa. Aniya, noong Mayo 28, 1898, unang iniladlad ang bandilà ng Pilipinas matapos magkaroon ng sandatahang mapanghimagsik ang mga puwersang Español sa Labanan na nangyari sa Alapan, sa Imus, Cavite. Kung saan ay pormal itong ipinakita sa publiko noong Hunyo 12, 1898.

Kaugnay nito, ipinaliwanag naman ni Ramos ang simbolo ng bandila ng Pilipinas gaya na lamang ng kulay na asul at pula na siyang port flag ng Maynila at iloilo. Ang triangulo naman na sumisimbolo ng KKK o Kataastaasan, Kagalangalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan na mas kilala sa tawag na “Katipunan”. Habang ang araw naman na nagsisilbing liwanag ng kalayaan.

Samantala, bagama’t sumisimbolo ang bandila ng kayalaan, ay magsisilbi rin itong deklarasyon ng digmaan aniya kapag binaliktad ang bandila gaya na lamang ng kapag ang asul na simbolo ng katarungan ay umilalim at ang pula naman na simbolo ng katapangan ang umibabaw.

Isa na riyan ay ang nangyari noong World War II, kung saan ay binaliktad ang bandila.
Sa ilalim naman ng nakasaad sa Republic Act 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines ipinagbabawal ang pambabastos o anumang maling paggamit ng bandila.