DAGUPAN CITY- Patunay na may umiiral na kurapsyon sa iba’t ibang ahensya sa nararanasang anomalya sa industriya ng agrikulutura.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cathy Estavillo, Spokesperson ng nasabin organisasyon,dapat umanong suriin ng ahesnya ng gobyerno ang nananatiling pagtaas ng produktong bigas bunsod sa kinakaharap na problema ng industriya.
Ikinalungkot niya ang pagkakasangkot ng ilang mga ahensya sa mga nangyaring anomalya, partikular na ang pagsara ng ilang mga warehouse dahil kabilang ang mga ito sa illegal na gawain.
Hindi naman umano nakakatulong ang pag-padlock ng gobyerno sa mga nasabing warehouse dahil naiimbak lamang at nabubulok ang mga suplay na maaari naman ipamahagi sa mga naghahanap ng mababang presyo ng bigas.
Hiling naman niya na hindi sana ito maging batayan para gawing pribado ang NFA.
Giit ni Estavillo, nagpapatunay lamang ang mga anomalya sa umiiral na kurapsyon sa bansa.
Aniya, simula nang maisabatas ang Republic Act 11203 ay nagsimula na din nagkaroon ng problema sa loob ng NFA ngunit wala namang napapanagot.
Dagdag pa niya nais ilang palakasin pa ang suplay ng NFA dahil malaking tulong ito tuwing mayroong kalamidad.
Samantala, bahagyang nagkaroon na ng pagbaba ng presyo ng bigas sa bansa, base sa isinagawang monitoring ng Bantay Bigas.
Bagamat nakitaan na nila ng P50-P51/kilo na pagbaba ay mataas pa rin ito para sa publiko.