BOMBO DAGUPAN- Maraming ang natouch at na-shock nang i-post ni First Lady Liza Marcos na binisita siya ng magkapatid na Joshua and Bimby Aquino at may dala pang mga pasalubong ang mga ito.

Bagamat ay hindi maikakaila na common knowledge ang kumbaga ay history ng pamilya Marcos at pamilya Aquino.

Makikita sa post ni FL Marcos na may caption “Thank you for taking time off to visit me, Bimby and Josh.

--Ads--

At syempre ang kanilang pagbisita ay may kasama pa itong maliit na box ng Hermes na pasalubong na ibinigay ng magkapatid sa unang ginang.

Samantala, ang designer na si Michael Leyva ang naging tulay sa naganap ng courtesy visit ng dalawang binata ni Kris na kasalukuyan pa ring nagpapagaling sa Amerika pero diumano’y nagbabalak nang umuwi sa bansa.