Dagupan City – ‎Patuloy ang pagsisikap ng pamahalaang lokal ng Mangaldan, Pangasinan na mapigilan ang pagkalat ng rabies sa pamamagitan ng libreng pagbabakuna sa mga alagang hayop.

Sa pinakabagong aktibidad na isinagawa sa Barangay Guilig, umabot sa 338 na aso at pusa ang nabakunahan kontra rabies. Sa kabuuang bilang, 282 ay mga alagang aso habang 56 naman ang pusa.

Ang inisyatibong ito ay pinangunahan ng Municipal Agriculture Office, na nakapagserbisyo sa 156 na pet owners sa nasabing barangay.

Layon ng hakbang na ito na mapanatili ang kaligtasan ng mga residente, lalo na ng mga batang madalas makisalamuha sa mga hayop. Isa rin itong tugon upang makamit ang layuning maging rabies-free ang buong bayan.

Patuloy namang hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga pet owner na makiisa sa mga susunod pang vaccination drives para sa kapakanan ng kanilang mga alaga at ng komunidad.