Pormal nang naisakatuparan para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Bureau of Jail Management and Penology Dagupan city ang programang “College Behind Bars’ isang scholarship program sa pamamgitan ng pagpirma ng Memorandum of Agreement ng pasilidad sa mga katuwang nitong ahensya.

Sa pakikipagtulungan sa University of Luzon at sa naturang pasilidad Kung saan pinangunahan nina Mayor Belen T Fernandez, Jail Senior Superintendent (JSSUPT) Florante Nisperos, Regional Director ng Jail Bureau, BJMPRO-I at JCINPS LITO S LAM-OSEN, JINSP LILIA VENTURA ng female dormintory kasama rin si G. Christian Flores, Scholarship Program Head at SJO2 Janice M Wackisan, Chief, Welfare and Development Section.

Ang kolaborasyon na ito ay sa pakikipagtulungan sa isang unibersidad sa ungsod ng Dagupan na kung saan layuning matulungan ang bawat pdl upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at ang mantra na “Walang Dapat Maiwan”.

--Ads--

Nangako rin ang unibersidad na magbibigay ng learning delivery modality para sa mga PDL sa pamamagitan ng online training sessions na magsisilbi ring bilang rehabilitasyon para sa kanila upang muling maging mga mamamayan at hindi maging mga outcast sa lipunan kapag sila ay nakalabas na ng kulungan.Habang ang LGU Dagupan ay magbibigay ng Scholarship Assistance sa mga kuwalipikadong incoming first year College Students-PDL hanggang sa kanilang pagtatapos sa nais nilang kurso o propesyon.

Ito rin ay bilang bahagi ng mga inisyatibong pang-literasiya para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) upang magkaroon ng pagkakataon sa edukasyon na magsisimula sa 30 PDL scholars bilang pilot beneficiaries ng programa.