DAGUPAN CITY — Naging matagumpay ang isinagawang medical service sa pangunguna ng Rural Health Unit sa bayan ng Agno.
Ang nasabing aktibidad ay bilang pagsuporta sa selebrasyon ng Hypertension Awareness Month na naglalayong magpalaganap ng kaalaman sa pangangalaga sa kalusugan ng puso at gayon na rin upang mabawasan ang panganib na dala ng hypertension.
Pinangunahan naman ni Dr. Joseph Lopez kung saan ay tinalakay nito ang mga salik na nakakaapekto sa kalusugan ng puso at nakakaambag sa pag-develop gn hypertension. Ibnahagi din nito ang ilang mga mahahalagang hakbangin gaya ng malusog na pamumuhay sa pangangalaga sa puso at katawan.
Samantala, hinihikayat naman ng Rural Health Unit ang kanilang mga nasasakupan na makiisa sa programa ng kanilang tanggapan para sa pangangalaga sa kanilang pangkalahatang kalusugan at maiwasan ang hypertension sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansyang pagkain at regular na pageehersisyo.