DAGUPAN CITY – Isinagawa ngayong araw ang medical mission para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong, na pinangunahan ng iba’t ibang Eagles Club.

Ayon kay Marlon “Pantat” de Guzman, Bombo International News Correspondent sa Hong Kong, sa panayam sa Bombo Radyo Dagupan, handog ng grupo ang libreng sugar test, blood pressure test, at uric acid test para sa mga kababayan.

Bukod sa medical mission, nagsasagawa rin sila ng iba’t ibang community service gaya ng clean-up drive at pamimigay ng relief goods sa Hong Kong at Macau.

--Ads--

Imbitado sa aktibidad ang lahat ng Filipino associations sa Hong Kong, kasabay ng pagdiriwang ng National Tourism Day.

Ayon pa kay de Guzman, ang ganitong aktibidad ay makabuluhang paraan upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga OFW at mapatatag ang kanilang samahan sa ibang bansa.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng iba’t ibang Eagles Club, layunin nilang maitaguyod ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa sa hanay ng mga Pilipino sa Hong Kong at Macau.