DAGUPAN CITY- Naka activate na ang MDRRMO Sual at basa vlue alert status na rin para sa paghahanda sa mga maaaring banta ng sama ng panahon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rhea Bacaritas, Team Leader on Duty ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Sual, patuloy ang kanilang monitoring katuwang ang ilang ahensya upang masigurong maayos ang pagtugon sa anumang posibleng epekto ng masamang panahon.
Binabantayan na rin nila ang mga lugar sa Sual na kilalang flood-prone.
--Ads--
Kasama rito ang mga coastal areas na unang naaapektuhan kapag may malalakas na ulan o pagtaas ng tubig.