DAGUPAN CITY- Tiniyak ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa bayan ng Sta. Barbara ang paghahanda sa maaaring dalhing epekto ng bagyong Kristine sa kanilang bahay.
Ayon kay Raymondo Santos, Municipal Disaser Risk Reduction Management Office Head sa naturang bayan, kahapon ng umaga pa lamang ng inabisuhan na nila ang mga barangay officials at mga residente na maging alerto.
Hindi naman aniya ikinatuwa ang pagpapakawala ng San Roque Dam ng tubig dahil ang kanilang bayan ang apektado nito.
Kaya kinakailangan aniya ang pre-emptive evacuation upang maiwasan ang anumang panganib ng baha.
Pagdating naman sa sitwasyon ng marusay sinukalan river kahapon ng hapon itinatayang nasa 3.4 metro ang tubig sa dam samantalang ang overflow level ng naturang ilog ay nasa 6.2 metro kung saan may mga barangay ang naapaketuhan ng pagtaas ng tubig lalo na ang Barangay Sungkil. Kaya’t nag abiso ang Opisina ng MDRRMO sa mga brgy. lalo na ang mga lugar na malalapit sa ilog na manatiling maging handa sa pagtaas ng tubig.
Panawagan naman ni Santos para sa mga residente ng Sta. Barbara na maging maingat at mapagmatyag. dagdag pa niya na makinig sa mga balita upang malaman ang mga kaganapan sa kanilang lugar.
Tinityak din ng MDRRMO ang paghahanda ng mga evacuation center at transportasyon kung sakaling kailanganin.