Dagupan City – Pinaigting ng MDRRMO San Jacinto ang koordinasyon nito sa kapulisan at iba pang emergency response bilang bahagi ng paghahanda kontra sa banta ng bagyo.
Agad inilunsad ang mga mekanismo para sa pagbabantay sa lagay ng panahon, pagpapakalat ng impormasyon, at paglalagay ng mga response teams na handang rumesponde sa anumang insidente.
Nauna nang nagpaalala ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Pangasinan sa posibilidad ng pagtaas ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa buong lalawigan, bunsod ng direktang pagtahak ng bagyo. I
naasahang mararamdaman ang epekto ni Ramil sa Pangasinan pagsapit ng Linggo.
Giit ng ahensya na patuloy ang kanilang pagtutulungan upang tiyakin ang mabilisang aksyon lalo na sa mga lugar na matataas ang panganib gaya ng mga binabahang lugar.
Patuloy na pinaaalalahanan ang mga residente na manatiling mapagmatyag at makinig lamang sa mga opisyal na abiso.
Hinihimok din ang publiko na huwag magpakalat ng maling impormasyon, at laging maging handa sa posibilidad ng biglaang paglikas habang naka-red alert status ang mga emergency teams sa buong bayan.