Hindi bababa sa 23 katao ang nasaei sa Nairobi, Kenya matapos magdulot ng matinding pagbaha ang pagbuhos ng malalakas na pag-ulan.
Ayon sa kapulisan, umaabot sa 30 katao ang nailigtas subalit marami pa ang mga nalunod matapos anurin patungong kailugan, habang ang iba naman ay nakuryente.
Idineploy din ang militar ng Kenya upang tulungan ang mga taong na-trap sa loob ng mga sasakyan.
--Ads--
Ilang mga pangunahing daanan ang lubog sa baha kabilang na ang Mombasa Road, Uhuru Highway, Kirinyaga Road, at ilang bahagi ng Westland district.









