Maghahanda na naman ang mga motorista sa mas mataas na presyo ng gasolina matapos muling tumaas ang halaga ng langis sa pandaigdigang merkado, batay sa Mean of Platts Singapore.
Ang mga sumusunod na paggalaw ng presyo ay ipatutupad sa Martes, Pebrero 25:
Gasolina – Tataas ng P0.60-P0.80/L
--Ads--
Diesel – Tataas ng P0.30-P0.50/L
Kerosene – Tataas ng P0.10-P0.30/L
Ayon kay Jetti Petroleum President Leo Bellas, ang pagtaas ng presyo ay pangunahing dulot ng pangamba sa suplay matapos ipataw ng US ang mga parusa sa langis ng Russia at Iran.
Dagdag pa rito, naapektuhan din ang paggalaw ng presyo dahil sa desisyon ng OPEC+ na ipagpaliban ang pagpapalakas ng suplay hanggang Abril 2025.