BOMBO DAGUPAN – Sasalubungin ng mga motorista ang mas mababang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo, dahil inanunsyo ng mga kumpanya noong Lunes ang isa pang round ng rollback upang markahan ang ikalawang sunod na linggo ng bawas sa gasolina, at pang-apat para sa diesel at kerosene.

Sa magkahiwalay na advisories, sinabi ng Chevron Philippines Inc. (Caltex), Flying V, Petron Corp., Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. na magbabawas sila ng presyo kada litro ng gasolina ng P0.10, diesel ng P0.20, at kerosene ng P0.45.

Habang ipapatupad ng Cleanfuel, Petro Gazz, PTT Philippines Corp., at Unioil Petroleum Philippines Inc. ang parehong mga pagbabago, hindi kasama ang kerosene na hindi nila dala.

--Ads--

Magkakabisa ang mga pagsasaayos bukas ng alas-6 ng umaga para sa lahat ng mga kumpanya maliban sa Cleanfuel na magro-roll back ng mga presyo bandang 12:01 a.m. sa parehong araw.

Samantala, ang ibang mga kumpanya ay hindi pa nakakagawa ng mga katulad na anunsyo para ngayong linggo.