Usap-usapan ngayon sa social media ang influencer at actress na si Mariel Pamintuan dahil sa ginawa niyang parody song na may pamagat na “Crocs’ Den.”
Ang kanta nito ay hango sa kantang “Golden” ng Huntrix kung saan ay tinatalakay ang kasalukuyang isyu ng Pilipinas — ang maanomalyang flood control projects na kiansasangkutan ng contractors, congressmen, at DPWH officials.
Sa lyrics at music video na ipinakita ni Mariel, mapapansin kung gaano kaganid ang mga korap na opisyales ng gobyerno sa pagkamkam sa kaban ng bayan.
Bukod pa rito tampok rin ang tinawag niyang mga “nepo babies” na panay-panay ang pagbalandra online ng kanilang lavish lifestyle, na pinapaniwalaang galing sa nakaw ng kanilang mga magulang.
Dahil dito, ang komento ng ilan ay when reality hits hard sa bahaging ‘Daming questions tapos ending, No kulong jail’.
Sentimyento pa ng isa hindi lamang ito basta-basta parody…kundi, isang reality.
Sa kasalukuyan umabot na ito sa higit 7.1 million views sa Facebook, 1.6 million views sa TikTok, at 1,800 views sa YouTube and counting.