Kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez, na nagkaroon ng pag-uusap sa telepono sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at si U.S. President Donald Trump kung saan tinalakay nila ang kasalukuyang kalagayan ng pandaigdigang ekonomiya at seguridad.
Sinabi ni Gomez, ang pag-uusap ay naging kasunod ng naging pulong ni Pangulong Marcos at US State Secretary Marco Rubio sa Malacañang kahapon,Miyerkules.
Sa naturang pagpupulong, ipinaalam ng Pangulo kay Rubio ang pinakahuling mga insidente sa West Philippine Sea.
Ayon kay Sec. Gomez, sa kanilang pag-uusap, tiniyak ni President Trump kay Pangulong Marcos na ihaharap niya ang mga alalahanin ng Pilipinas sa kanyang susunod na pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping. | via Bombo Analy Soberano










