DAGUPAN, CITY— Marami pa rin ang patuloy na pinaghahanap matapos ang malawakang pagbaha sa Central China na naging dahilan din pagkaka-trapped ng ilang pasahero sa mga subway matapos ang pag-apaw ng mga dam at ilog.
Ito ang nabatid kay Bombo International Correspondent Sherna Ismael, sa Beijing, China.
Inihayag naman ni Ismael na hindi talaga napaghandaan ang flashflood na naganap. Kuwento nito tila isang normal na pag-ulan lamang ang nangyari dahilan upang magpakampante ang publiko subalit hindi na aniya nakayanan ng isang dam doon ang buhos ng tubig ulan dahilan upang ito ay bumigay.
Sa kasalukuyan aniya ay mayroon ng 33 kataong kumpirmadong nasawi.
Samantala, sa kasalukuyan aniya ay hindi na malakas ang pag-ulan na nararanasan doon at humuhupa narin ang baha sa apektadong lugar.