Marami pang supply ng covid 19 vaccine ang inaasahang darating dito sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Dagupan City mayor Mayor Marc Brian Lim, maraming bakuna ang darating ngayong buwan.

Magkakaroon aniya ng partial shipment ng 1,200 na Astrazeneca vaccine bago matapos ang buwan at karagdagang 1,900 sa susunod na buwan.

--Ads--

Masayang iniulat din ng alkalde na malaki rin ang itinaas ng bilang ng mga nagpababakuna.

Pero mas marami aniya ang nakakumpleto na ng second dose kaya ang hangad nito ay magdagdagan naman ang bilang ng mga nakatanggap ng first dose.

Dagupan City mayor Mayor Marc Brian Lim