Dagupan City – Umabot na sa maximum capacity ang Maples River nitong Sabado, April 4, 2026 dahilan upang pansamantalang ihinto ang pagtanggap ng mga bagong bisita sa nasabing destinasyon.

Ayon sa abiso ng pamunuan, napuno na ang lugar dahil sa dagsa ng mga turista at lokal na bumibisita kasabay ng paggunita ng Mahal na Araw. Dahil dito, ipinatupad ang limitasyon upang matiyak ang kaligtasan ng lahat at mapangalagaan ang kapaligiran ng lugar.

Ipinabatid din na ang pansamantalang hakbang ay bahagi ng crowd control measures upang maiwasan ang anumang insidente at mapanatili ang kaayusan sa loob ng pasyalan.

--Ads--

Pinayuhan ang publiko na makipag-ugnayan muna o maghintay ng anunsyo bago magtungo sa lugar, habang hinihingi rin ang pang-unawa at kooperasyon ng lahat sa ipinatutupad na regulasyon.

Patuloy namang binabantayan ng mga kinauukulan ang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga bisita at ang maayos na pamamahala sa Maples River.