Dagupan City – Patuloy na pinapalakas ng bayan ng Mapandan ang diwa ng bayanihan sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat isa para sa ikabubuti ng komunidad.

Sa ikatlong taon ng Mapandan Agbayanihan, muli nilang pinatunayan ang kolektibong pagsisikap at positibong epekto nito sa mga mamamayan.

Matagumpay na naipatayo ang isang bagong palikuran para sa mga residente ng Barangay Baloling.

--Ads--

Ang proyektong ito ay isang konkretong hakbang tungo sa mas maayos na sanitasyon at kalinisan sa komunidad sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, katuwang ang mga lider ng komunidad at mga ahensya ng pamahalaan na natiyak ang tagumpay ng inisyatibang ito.

Sa pamamagitan ng ganitong inisyatiba, nagiging mas maginhawa at ligtas ang pamumuhay ng mga residente. Ang inisyatiba ng Mapandan Agbayanihan ay isang patunay ng lakas ng isang bayan na nagtutulungan at nagkakaisa para sa kapakanan ng nakararami.