BOMBO DAGUPAN – Isinasagawa ngayon sa Kentucky ang isang manhunt matapos pagbabarilin ang ilang mga tao sa isang highway malapit sa lungsod ng London nitong Sabado.

Nagsimula ang insidente bandang alas 6 ng gabi lokal na oras nang tumugon ang pulisya sa isang ulat patungkol sa pamamaril.

Pitong katao naman ang nasugatan sa insidente, ayon kay Mayor Randall Weddle ng London.

--Ads--

Sinabi niya na hindi lahat ng mga pinsalang ito ay sa pamamagitan ng baril, at walang sinuman ang napaulat na nasawi.

Pinangalanan ng Laurel County Sheriff’s Office ang 32-anyos na si Joseph Couch bilang person of interest at binalaan ang publiko na siya ay itinuturing na armado at mapanganib.

Ayon sa lokal na media sa nasabing bansa na ang mga putok ay maaaring mula sa isang kakahuyan na malapit sa highway, o mula sa isang overpass.