Asahan ang mas mabigat at malawak na responsibilidad para sa mga lokal na pamahalaan ng bansa bilang epekto ng Mandanas ruling na ipatutupad sa susunod na taong 2022.

Sa bahagi ng panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rogelio Quitola, DILG Pangasinan Cluster Head, ito ay sapagkat sa ilalim ng Mandanas ruling ay tataas ang Internal Revenue Allotment (IRA) o ang budget ng mga Local Government Unit (LGU) ng nasa 50%.

Dahil dito, ilan sa mga katungkulan ng pambansang pamahalaan ay mapupunta sa LGUs.
Bagaman ganoon, posibleng may ilang LGUs, partikular ng mga maliliit na lokal na pamahalaan ang siyang mangangailangan pa ng tulong.

--Ads--
Tinig ni Rogelio Quitola

Sa ilalim ng Executive Order No. 138 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, layunin nitong maipamahagi sa higit na nangangailangang LGUs ang Growth Equity Fund, na siya namang ihahain ng Committee on Devolution (ComDev) bilang bagong kinatawan nito sa kongreso.

Isasama naman sa national budget proposal ng executive branch sa Department of Budget and Management (DBM), bilang kinatawan ng komite ang 2022 National Expenditure Program.