DAGUPAN, CITY – Ikinatuwa ng Manaoag Police Station sa nakamit na tagumpay ng kanilang himpilan bilang isa sa mga Top performers ng Class B Municipal Police Station sa ginanap na Synchronized Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) on Anti-Illegal Drugs.
Ito ay kasunod na rin ng pagkakatala nila ng tatlong magkakasunod na matatagumpay na illegal drug operation sa bayan ng Manaoag.
Ayon kay PMaj. Fernando Fernandez, Chief of Police ng Manaoag PNP, ito ay sa bunga na rin ng kanilang pagsisikap na masawata ang mga illegal na aktibidad na may kaugnayan sa droga.
Aniya, matagumpay na nahuli ang mga suspek dahil sa pakikipanayam sa mga naunang nahuli ring mga suspek na napag-alaman na magkakaugnay o magkakasabwat lamang ang mga ito.
Naging posible ang kanilang adhikain sa pamamagitan ng kanilang sipag at pakikipagtulungan sa mga mamamayan at suporta mula naman sa LGU ng nabanggit na bayan.
Nagpapasalamat nama si Fernandez sa lahat ng nasa likod ng tagumpay ng kanilang himpilan at sisikapin nila na maging drug free ang nabanggit na bayan.
Sa ngayon, tuloy pa rin ang kanilang monitoring kontra illegal na droga lalo na sa mga surrenderees upang maiwasan na sila ay bumalik pa rin sa naturang illegal na gawain.