DAGUPAN – Humihingi ng pang-unawa at panalangin ngayon ang malalapit na kaanak ni dating pangulong Fidel V. Ramos na namayapa ngayong araw sa edad na 94.

Sa maikling pahayag ni dating 6th District Board Member Ranjit Shahani na pamangkin ni Ramos, nawalan ng anak ang Pangasinan. Maging ang mga Pangasinense ay nagluluksa sa pagkamatay ng kanilang kababayan na nagsilbi sa ating bansa.

Isinilang si Ramos noong 18 Marso 1928 sa bayan ng Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina Narciso Ramos at Angela Valdez.

--Ads--

Sa ilalim ni Corazon Aquino, siya ay nagsilbing chief of staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at kalaunang Kalihim ng Pambansang Pagtatanggol.

Siya ay nahalal na Pangulo ng Pilipinas noong 1992. Siya ang ikalabing-dalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Hunyo 1992 – 30 Hunyo 1998).