Pinaghahanda ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga residente sa Northern Luzon dahil sa maaaring maranasang malalakas na pag-ulan at hangin, at ang storm surge dala ng Tropical Storm Marce.

Ayon kay Office of the Deputy Administrator for Operations and Services officer-in-charge Juanito Galang, hindi lamang ang pag-ulan ang dapat paghandaan dahil batay sa forecast, magiging bagyo pa ito bago mag-landfall.

Anila, maaaring may itaas na wind signals sa bahagi ng Northern Luon simula ngayon araw ng martes dahil sa inaasahang malakas na hangin nito, at maaaring may maitalang signal number 4 bilang wind warning.

--Ads--

Dagdag pa niya, nakikita nilang maglalandfall ito sa Babuyan Islands sa biyernes. Gayunpaman, dahil din sa kalagayan ng panahon kabilang na ang high pressure area at ang lakas ng tropical storm ay posible din na maglandfall ito sa Cagayan o Isabela.