Inanunsiyo ng Palasyo Malacañang ang suspensiyon ng pasok sa gobyerno at klase sa lahat ng antas sa public at private schools sa Metro Manila at mga karatig na probinsiya nitong hapon ng Huwebes, Agosto 13.
Ito ay base na rin sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa patuloy na mabibigat na pag-ulang dala ng habagat.
Base sa Memorandum Circular No. 125, na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto at inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., walang pasok sa gobyerno at klase sa mga sumusunod na lugar:
-National Capital Region
-Zambales
-Bataan
-Bulacan
-Pampanga
-Tarlac
-Nueva Ecija
-Cavite
-Batangas
-Rizal
-Laguna
-Quezon
Ang mga ahensiya naman na nagsasagawa ng mga delivery ng basic at health services, rumeresponde sa mga kalamidad at iba pang mahahalagang serbisyo, ay inatasang ipagpatuloy ang kanilang mga operasyon at maghatid ng kinakailangang serbisyo.
Samantala, sinabi rin ng Palasyo na maaaring magpatupad ng localized cancellation o suspensiyon ng klase o trabaho sa gobyerno ang mga local chief executive.
Ipinauubaya naman na sa discretion o pagpapasya ng mga head ang suspensiyon ng trabaho sa mga pribadong kompaniya. | via Bombo Everly Rico










