BOMBO DAGUPAN- Sa kauna-unahang pagkakataon, naglabas ng babala ang Japan sa tumataas na panganib ng ‘major earthquake’ na maaaring magpayanig sa hinaharap.

Lumabas ang abiso nitong gabi ng huwebes sa Japan, inaabisuhang maging alerto ang mga tao ngunit hindi pa sa paglikas. Binigyang-diin din nito na ang babala ay hindi nangangahulugan na ang isang malaking lindol ay nalalapit na, ngunit mas tumataas ang posibilidad nito kaysa karaniwan.

Ito ay lumabas matapos ang naramdamang 7.1 magnitude earthquake sa southern island ng Kyushu. Gayunpaman, wala itong naitalang malaking pinsala.

--Ads--

Subalit, naging alerto ang mga eksperto dahil ang matatagpuan ang epicenter nito sa gilid ng Nankai Trough, isang parte ng seismic activity na umaabot hanggang sa Pacific Coast ng Japan.

Ayon kase sa mga ito na mayroong 70%-80% na tsansang tamaan ng magnitude 8 o 9 ang lugar na malapit sa Nankai Trough sa susunod na 30 taon.

Kaugnay nito, maaari umanong umabot sa higit 200,000 katao ang maaarin masawi at may banta pa itong magkaroon ng tsunami.

Matatagpuan naman ang plate boundary nito sa pagitan ng Suruga Bay sa central Japan, at ng Hyuganada Sea sa Kyushu.

Matatandaan na libo-libo ang nasawi noong niyanig ng lindol ang Nankai Trough noong 1946.