Nakatulong sa pag-aani ng mga rice farmers sa Region1 ang tuloy tuloy na mainit na panahon sa rehiyon.
Ayon kay Analiza Ramos, ang Rice Banner Program Focal Person, DA Region1 wala namang malaking pinsala at sa halip ay may dulot pang benepisyo ang mainit na panahon sa harvesting ng mga magsasaka.
Saad nito na mas mapapaaga kasi ng isang linggo ang maturity ng palay kayat mapapabilis ang pagaani ng mga magsasaka.
Dagdag pa dito ay kakasimula lang din ng release ng irrigation water, pagpapatractor at planting sa mga palayan.
Nakahanda rin ang department of agriculture kung sakaling may mga farmers na maapektuhan ang sakahan dahil may nakahandang buffer stock o seed reserve na available ngayon sa mga Department of Agriculture stations.
Sa ngayon naman ay nasa 178 percent ang sufficiency level ng palay sa buong rehiyon at ang sobra dito ay naipapamahagi pa sa ibang region tulad ng CAR at NCR.
Ito ay dahil ang Ilocos region ay may 308,000 hectares na tinataniman ng palay kapag wet cropping sesason at ang 60 percent nito ay mula sa Pangasinan sunod naman dito ay ang ilocos norte, ilocos sur at la union.
Nagpaalala din ito sa mga magsasaka na handa na ang binhi sa ibat ibang DA station na pwede nang kunin ng mga LGU para sa planting season ay pwede nang kunin ito ng nga rice farmer mangyari lamang na makipag-ugynayan ng sa mga munisipalidad at magregister sa RSBSA o registry system for basic sectors in agriculture.




