BOMBO DAGUPAN – Ramdam na ramdam na ang palalapit na ang gaganaping Paris 2024 Olympics sa Paris, France.
Ayon kay Vermin Tagle, Bombo International News Correspondent sa Paris, France sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, mahigpit ang seguridad na ipinatutupad upang matiyak ang kaligtasan ng mga atleta, mga dumaraming bisita at mga residente.
Aniya, may hakbang namang ipinatutupad ng pamahalaan tulad ng pagtatalaga ng 7,000 na sundalo at nasa 22,000 na kapulisan upang magbigay ng seguridad.
Tinatayang nasa 600,000 international na turista ang magsisidatingan dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga hotel doon at iba pang bilihin.
May paalala naman si Tagle sa mga bisita na nagbabalak magpunta sa event na mag ingat sa mga pick pocket sa mga daan malapit sa event na paggaganapan dahil sa kasalukuyan ay tumataas ang bilang nito lalo na sa mga pampublikong lugar.