Umabot na sa 84.12% o 48,630 katao na mga residente ng Asingan ang nakapagparehistro na sa ilalim ng Philippine Identification System (PhilSys) ayon sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) Pangasinan.

Malaking hakbang ito tungo sa layunin ng PhilSys na mapadali ang pagbibigay ng serbisyo publiko at mabigyan ng pagkakataon ang mga low-income families na makapagbukas ng bank account.

Matatandaan na noong 2021, sinimulan ng PSA ang nationwide registration para sa National ID upang maiparehistro ang lahat ng mga Pilipino saan man sulok ng bansa.

--Ads--

Ang National ID ay magiging susi sa mas mabilis at maayos na pagproseso ng mga transaksyon sa gobyerno at pribadong sektor.

Samantala, patuloy parin ang ginagawang kampanya ng PSA Pangasinan upang maabot ang 100% na rehistrasyon sa buong probinsya.

Inaanyayahan naman ang mga indibidwal na hindi pa nakakapagparehistro na makipag-ugnayan sa PSA para sa karagdagang impormasyon at tulong patungkol dito.