Dagupan City – Nagkaroon ng pagkumpiska ng Illegal na droga ang Dagupan City Police Office sa kabila ng pagdiriwang ng Semana Santa.

Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng isang suspek at pagsasamsam ng tinatayang Php 47,600 halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Barangay Bonuan Binloc
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Police Station 6 kasama ang City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU), City Intelligence Unit (CIU), at PDEA Region 1, sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PCOL ARNOLD P SOLOMON, City Director ng DCPO.

Humantong ito sa pagkakahuli sa isang lalaking residente ng Barangay Calmay, Dagupan City.

--Ads--

Nakuha dito ang isang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng puting mala-kristal na sangkap na hinalaang shabu, na may bigat na humigit-kumulang 7 gramo at may tinatayang halagang Php 47,600.
Bukod dito, nakuha rin ang iba pang gamit
nito sa illegal na aktibidad.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng DCPO ang suspek at ang mga nasamsam na ebidensya. Inihahanda na rin ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) para sa paghahain sa hukuman.

Dahil dito, patuloy ang DCPO SA Pagpapatupad ng mga operasyon laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan ng Dagupan City, kahit sa panahon ng mga espesyal na okasyon tulad ng Semana Santa.