Nakumpiska ang nasa mahigit 4 na gramo ng hinihinalang shabu sa isang construction worker na nadakip sa pinagsanib na operasyon ng pulis at PDEA sa bayan ng Rosales, dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Kinilala ang suspek na isang 43 anyos, isang construction worker na naaresto dahil sa buy-bust operation dahil sa pagiging sangkot sa illegal na droga.

Nakakuha ng mga awtoridad ang shabu sa kanya na may tinatayang timbang na 4.05 grams na nagkakahalaga ng PhP27,540.00.

--Ads--

Bukod dito, nakumpiska rin ang pera na ginamit sa buy-bust at ilang pekeng pera.

Sa ngayon, kasalukuya na itong nakakulong at nahaharap sa kasong may kaugnayan sa paglabag sa batas tungkol sa droga o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.