DAGUPAN CITY – Inaasahan na nasa mahigit 30 ang bilang ng mga ruta ng public utility vehicle (PUV) na madadagdag sa lalawigan ng Pangasinan.
Ito ay kasunod na rin ng paglalabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ng karagdagang ruta sa buong bansa.
Ayon kay Bernard Tuliao, Presidente ng AutoPro Pangasinan, isang magandang pagkakataon para sa mga driber at mga communters lalo dito sa probinsya.
Aniya, ang mga bagong ruta na ito ay iikot na lalo na sa mga downtown area sa mga bayan at siyudad sa lalawigan gaya na lamang sa bayan ng Bayambang.
Samantala, dito sa lungsod ng Dagupan, ay wala namang naidagdag na bagong ruta.
Nilinaw din ni Tuliao na mayroon ng 15 units ng mga modernize jeepney ang naaprubahan na bumiyahe sa De Venecia extension ngunit sa ngayon ay wala pa umanong nag-iikot rito.