Dagupan City – Matagumpay na naisagawa ang isang operasyon kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang suspek at pagkakakumpiska ng 3.84 gramo ng hinihinalang shabu sa Barangay Nanbagatan sa bayan ng Laoac.
Naganap ang buy-bust operation dahil sa pinagsanib na pwersa ng Laoac Municipal Police Station (MPS) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 1.
Kinilala ang mga suspek bilang isang 36-taong-gulang na caretaker mula sa Mangaldan, at isang 23-taong-gulang na vendor mula sa Dagupan City
Bukod sa 3.84 gramo ng shabu na may tinatayang halaga na P26,112.00, nakumpiska rin ang dalawang piraso ng P100 na dusted money, apat na piraso ng P1,000 boodle money, isang P500 boodle money, isang kulay kayumangging coin purse, 2 mobile phone, at isang motorsiklo.
Kasalukuyan nasa kustodiya na ng kapulisan ang mga suspek at nahaharap sa mga kasong may kinalaman sa illegal na droga.