Umabot sa mahigit dalawang libong protesta ang isinagawa sa iba’t ibang estado sa Amerika, na may tinatayang kalahok na limang milyong tao.
Ang mga rally na ito ay bahagi ng ikalawang pagkakataon na naganap sa administrasyon ni Pangulong Donald Trump.
Ayon kay Isidro Madamba, Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos nagsimula ang mga protesta bandang alas-diyes ng umaga at tumagal ng higit dalawang oras.
Bagama’t karamihan sa mga kaganapan ay naging mapayapa, ilang lugar naman ang nakaranas ng maliit na kaguluhan na kinailangang tugunan ng mga awtoridad.
Ipinahayag ng mga nagprotesta ang kanilang pagtutol sa ilang mga patakaran at agenda ng Trump administration, partikular ang tinatawag na “Project 2025,” isang influential na polisiya na naglalayong ipatupad ang iba’t ibang isyu na tinutulak ng nasabing administrasyon.
Sa kasalukuyan, wala pang masyadong reaksyon mula sa kampo ni Trump hinggil sa mga protesta.