Dagupan City – Umabot sa 206 na residente mula sa bayan ng Urbiztondo ang nabahagian ng libreng Chest X-Ray sa ilalim ng iniyastiba ng Urbiztondo Rural Health Office at sa pakikipagtulungan ng Pangasinan Provincial Health Office at ng Philippine business for social progress.
Ang prayoridad ng programa ay ang mga “high-risk” sa sakit na Tuberculosis at mga senior citizen. Layunin nito na matukoy agad ang mga may sakit na TB at mabigyan ng nararapat na lunas upang mapabuti ang kanilang kalusugan.
Ang Administrasyong Pasimbalo Urbiztondo sa ilalim ng liderato ni Mayor Modesto M. Operania ay lubos na nagpapasalamat sa walang sawang pagsuporta sa mga programang pangkalusugan para sa kapakanan ng mga residente ng Urbiztondo.
--Ads--