Bumagsak at nasunog ang isang bus na lulan ang dose-dosenang mga bata sa elementarya sa labas lamang ng Thai capital ng Bangkok.

Kung saan labing-anim na bata at tatlong guro ang iniulat na naligtas sa insidente, ngunit 22 mag-aaral at tatlong guro naman ang hindi pa rin nakikilala, ayon sa ministro ng transportasyon ng bansa.

Sinabi ng punong ministro ng Thailand na ang aksidente ay nagresulta sa mga pagkamatay at pinsala ngunit ang eksaktong bilang ng mga nasawi ay hindi pa nakumpirma.

--Ads--

Walo sa 19 katao na nakatakas ay dinala sa ospital para sa agarang paggamot.

Ang bus ay isa sa mga sasakyan na naghahatid ng mga bata at guro na pabalik mula sa isang field trip ng paaralan sa hilagang lalawigan ng Uthai Thani.