Nasawi ang isang 63-anyos na magsasaka matapos maaksidente sa Barangay Don Montano sa bayan ng Umingan sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa inisyal na imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo nang aksidente nitong mabangga ang likurang bahagi ng isang nakaparadang Tractor.
Dahil sa lakas ng impact, nagtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.
--Ads--
Agad siyang isinugod sa pagamutan, ngunit idineklarang dead on arrival.
Patuloy namam ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang alamin ang mga pangyayari na humantong sa aksidente.










