Nasawi ang magkasintahan matapos salpukin ng bus ang sinasakyang motorsiklo sa Barangay Tambac dito sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Pltcol. Brendon Palisoc ang Chief of Police ng Dagupan City Police Station, lumalabas sa imbestigasyon, sakay ng motorsiklo ang magkasintahan na tubong Bolinao, Pangasinan nang kinuha umano ng bus ang linya ng motorsiklo dahil sa nakiunahan umano sa parada sa kanilang terminal.

Agad na dinala sa pagamutan ang mga biktima ngunit ideneklara na silang dead on arrival.

--Ads--

Kaugnay nito, hindi naman umano nakainom ang mga biktima at ang nakikita dito ay mabilis ang patakbo ng bus nang mangyari ang aksidente.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng kapulisan ang driver ng bus kung saan nahaharap ito sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Samantala, nasa Bolinao na ang labi ng magkasintahan dahil nakuha na ito ng kanilang pamilya.

Sa kabilang banda, sinabi ni Palisoc na patuloyang kanilang ginagawang checkpoints, chokepoints at oplan sita sa lahat ng kakalsadahan sa lungsod mula umaga hanggang gabi para mapanatili ang maayos na lagay ng bawat motorista at maiwasan ang mga aksidente.