Mga kabombo! Kung ang iba ay “First Dance” ang nagpakilig sa kanilang wedding ceremony, kakaiba naman sa gamer couple sa South Carolian, USA.

Ang kanilang First Dance ay napalitan ng 1v1 battle sa fighting game na Soul Calibur.

Ibinahagi ng dalawang bagong kasal ang clip ng kanilang pagtatapatan sa isang arcade machine at agad itong nagviral sa internet.

--Ads--

Sa video, makikitang hindi nagpapatalo si gamer bride sa kaniyang gamer groom at pumapalag-palag ito sa combos ng kaniyang asawa.

Hiyawan din ang mga dumalo sa naturang seremonya at kanilang na-enjoy ang paglalaro ng bagong kasal.

Napili naman nila ito bilang bahagi ng kanilang seremonya dahil maliban sa pareho silang casual gamer, mayroon silang isang kumpanya na tumutulong sa mga tournament at esports events, gayundin sa pareho silang tournament organizers.