Matinding galit ang nararamdaman ng isang ina matapos na paulit ulit  na hinalay ang dalawang menor de edad na mga anak ng sarili niyang pinsan sa Bugallon, Pangasinan.

Ayon sa salaysay ng kanilang ina, nadeskubre niya ang panghahahalay ng suspek sa kaniyang mga anak nang makita niya ang isang pregnancy test kit na nakatago sa isang paso.

Nagduda ang  ginang kaya kinausap  niya ang mga anak at  dito niya nalaman ang ginagawang panghahalay ng suspek sa kanyang mga anak.

--Ads--

Sa imbestigasyon ng pulisya, 2015 pa nang sinimulang gahasain ng suspek ang panganay na anak na noon ay 12 anyos pa lamang.

Lima hanggang anim na beses sa isang taon hinahalay ang biktima at ang pinakahuli  ay nangyari noong June 17.

Ginahasa rin ang bunsong anak na 12 anyosnoong nakaaraang taon.

Hindi umano nakapagsumbong ang mga biktima dahil pinagbantaan sila ng suspek.

Samantala, naisampa na ang kaso laban sa suspek.