DAGUPAN CITY– Umakyat na sa 14 ang bilang ng mga covid 19 death cases dito sa lungsod ng Dagupan matapos pumanaw ang magkapatid na senior citizen mula sa barangay 1.

Unang binawian ng buhay ang 61 anyos na lola at pagatapos ng ilang araw ay pumanaw na rin ang 62 anyos.

Dalawa naman ang panibagong nasawi dahil sa covid 19 sa bayan ng Mapandan at Mangaldan.

--Ads--

Ang mga nasawi ay isang 53 anyos na lalaki mula sa Mapandan at 50 anyos na babae mula sa bayan ng Mangaldan.

26 naman ang naitalang bagong kaso habang 24 naman ang mga gumaling kahapon.

Sa datos mula sa Provincial Health Office (PHO) pumalo na sa 1,325 ang kaso ng COVID-19 dito sa lalawigan habang kabuoang 301 na ang tinamaan ng covid 19 sa lungsod ng Dagupan.