Malaki ang naging epekto sa kabuhayan ng mga mangingisda ng magkakasunod na bagyo at Habagat, na nagdulot ng ilang araw na pagkakansela ng kanilang pangingisda.

Ayon kay Fernando Hicap, chairperson ng PAMALAKAYA Pilipinas, halos hindi nakalaot ang mga mangingisda dahil delikado sa kanilang buhay ang pagpalaot sa gitna ng masamang panahon.

Aniya, hindi pa man nakakabawi ang mga mangingisda mula sa mataas na presyo ng produktong petrolyo, agad namang sinundan ito ng mga kalamidad na lalo pang nagpahirap sa kanilang kabuhayan.

--Ads--

Sinabi rin ni Hicap na hindi umano sapat ang nararamdamang tulong ng pamahalaan ng mga mangingisda, at kung mayroon man ay maliit lamang kumpara sa kanilang pangangailangan.

Dahil dito, hiniling ng grupo sa pamahalaan na maglaan ng awtomatikong pondo para sa subsidy ng mga mangingisda tuwing may masamang panahon upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at makabawi sa pagkawala ng kita.