Naranasan ang magdamag na walang tigil na pag ulan sa ilang lugar dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Bunsod nito, ilang lugar sa lungsod ng Dagupan ang binaha dahil sa malakas na pag ulan na naranasan kagabi.

Malaking tulong naman ito sa mga magsasaka sa lalawigan dahil na rin sa patuloy na nararanasang mainit na panahon sa probinsiya dulot ng el nino.

--Ads--

Kung matatandaan kamakalawa ng nakapagtala ng 51.7 degrees celcius na heat index ang lungsod na sinundan naman ng 45.2 degrees Celsius na heat index at 34.9 degrees Celsius na temperatura kahapon.

Ang “heat index” o “init factor” ay ang nararamdaman ng katawan ng tao at ito ay mas mataas pa sa temperatura na naitatala ng PAGASA.

Ang heat index na papalo sa pagitan ng 41 hanggang 54 degrees Celsius ay maituturing nang “dangerous”.