Ideneklarang patay ang mag-asawang sakay ng motorsiklo matapos bumangga ang motor ng 20-anyos na babae sa likuran ng kanilang minamanehong sasakyan.

Ayon kay Psmsg. Manny Villanueva Chief Investigation Officer, Santo Tomas Police Station ang aksidente ay nangyari sa Barangay Salvacion, sa bayan ng Santo Tomas.

Kinasasangkutan naman ito ng isang motorsiklo, isang tricycle, at isang van.

--Ads--

Dahil sa lakas ng pagkabangga, nawalan ng kontrol ang tricycle at nabangga ang isang mini van na minamaneho ng isang lalaking nasa 42 taong gulang kasama ang limang iba pa na pawang magkakapamilya na residente ng nasabing bayan.

Nabatid sa mga kuha ng CCTV mula sa MDRRMO, Sto. Tomas na ang motorsiklo at tricycle ay parehong patungo sa kanluran habang ang van ay patungo sa silangan.

Samanatala sa kasamaang palad, ang mag-asawa ay parehong idineklarang patay nang makarating sa ospital.