Posibleng abutin pa ng dalawang araw ang nararanasang pagbaha sa ilang mga lugar sa lungsod ng Dagupan dulot ng pagsabay ng high tide at pagbuhos ng malakas na ulan.

Ayon kay Dagupan City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) Head Ronald de Guzman, ang mga bahang nararanasan sa ngayon ng siyudad ay maari pang tumagal sa nabanggit na mga araw dahil sasaluhin pa rin umano ng naturang lungsod ang tubig mula sa upper municipalities kaya aasahan pa ang pagtaas ng tubig.

Sa ngayon ay tinututukan ng kanilang tanggapan ang mga barangay malapit sa Sinucalan River gaya na lamang ng barangay Bacayao, Pugaro, Malued, Pantal at maging sa central business district para sa posibleng paglikas ng mga residente.

--Ads--
Dagupan City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) Head Ronald de Guzman

Kaya paalala naman ni de Guzman sa publiko na manatiling handa at alerto dahil pa rin sa baha na nararanasan ng maraming mga barangay sa lungsod.